Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, pataw, patani!
Kapag naririnig niyo ang mga salitang 'bahay pinoy', ano ang pumupunta sa mga isip ninyo? Bahay kubo, diba? Ano pa nga ba ang unang naiisip niyo?
Ang Sulu ay nasa Ilalim ng larawan, bandang mga salitang: Sulu Archipelago
Ang Sulu ay isang arkipelago sa Mindanao. Ang arkitektura ng Sulu ay hindi naman masyadong iba kumpara sa ibang mga lugar sa Pilipinas. Ang nag-iiba nga lang sa arkitektura ng Sulu ay ang mga kinatay na kahoy sa taas ng bubong. Ang mga disenyong ito ay nakikita lang sa harap ng bahay, pero minsan nasa likod rin ito. Ang mga kinatay ay minsan mahirap unawain, meron ring ibang mga kinatay na parang mga ibon katulad ng mga manok. Meron ring mga dragon at serpyente. Sa Jolo, ang mga tawag dito ay ang okil. Ito'y tawag ring tadjok pasong dahil ito ang ginagamit nila para sa pagkatay. Ang isa pang aspekto ng arkitektura nila ay ang mga jala-jala o carved wooden panels. Ito ay nakikita sa loob at labas na pader, sa mga bahay, sa mga mosque, basta marami kang makikita na ganito sa Sulu.
Ang isa sa nakatutuwang bahay ay ang mga houseboat. Ginagamit ito ng mga mangingisda.
Ang nakatutuwa na rin tungkol sa mga bahay sa Sulu ay halos lahat ng mga bahay ay nasa tubig. Maraming mga bahay sa Jolo ay tinayo sa taas ng tubig. Ang lupa ay ginagamit lang bilang lugar para sa mga paaralan at sementeryo.
Ang halaman doon ay sari sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, pataw, patani!
Kapag naririnig niyo ang mga salitang 'bahay pinoy', ano ang pumupunta sa mga isip ninyo? Bahay kubo, diba? Ano pa nga ba ang unang naiisip niyo?
Ang Sulu ay isang arkipelago sa Mindanao.
Ang arkitektura ng Sulu ay hindi naman masyadong iba kumpara sa ibang mga lugar sa Pilipinas. Ang nag-iiba nga lang sa arkitektura ng Sulu ay ang mga kinatay na kahoy sa taas ng bubong. Ang mga disenyong ito ay nakikita lang sa harap ng bahay, pero minsan nasa likod rin ito. Ang mga kinatay ay minsan mahirap unawain, meron ring ibang mga kinatay na parang mga ibon katulad ng mga manok. Meron ring mga dragon at serpyente. Sa Jolo, ang mga tawag dito ay ang okil. Ito'y tawag ring tadjok pasong dahil ito ang ginagamit nila para sa pagkatay. Ang isa pang aspekto ng arkitektura nila ay ang mga jala-jala o carved wooden panels. Ito ay nakikita sa loob at labas na pader, sa mga bahay, sa mga mosque, basta marami kang makikita na ganito sa Sulu.
Ang isa sa nakatutuwang bahay ay ang mga houseboat. Ginagamit ito ng mga mangingisda.
Ang nakatutuwa na rin tungkol sa mga bahay sa Sulu ay halos lahat ng mga bahay ay nasa tubig. Maraming mga bahay sa Jolo ay tinayo sa taas ng tubig. Ang lupa ay ginagamit lang bilang lugar para sa mga paaralan at sementeryo.
SOURCES
-Sulu's People and Their Art, edited by Frank Lynch
-http://minsupala.atspace.com/minsupalamap.html